hello there! ^^

blog for our Management and Information System (MIS) subject.
/our final requirement/
/third.year.first.semester/

Saturday, October 23, 2010

Konting tampo lang naman.

I really love my dad. Mabait, malambing, at napakamapagmahal kasi nun. Noon, certified daddy's girl ako. Palaging ako yung kinakampihan nun pag may away-bata kami ng mga kapatid ko; at pag umiiyak na ako, yayakapin agad ako nun at papatahanin. These memories always make me smile pag naaalala ko sila, But now, time seems to change everything.


Naiblog ko lang naman ito kasi napagalitan niya ako kagabi... :) Pasaway kasi ako eh... Ayoko namang magtanim ng sama ng loob kasi BAD YUN! At kahit anong mangyari tatay ko pa rin sya.. Pero madalas kasi, nasasaktan na ako sa mga sinasabi at ginagawa niya eh! Tulad na lamang nung enrolment nung 2nd year college ako.. Sabi niya, mga lalaki lang daw dapat ang ginagastusan sa pag-aaral, kasi kapag may asawa na sila, sila ang magtataguyod sa pamilya. Yung mga babae naman, maiiwan lang sa bahay... TAMA BA NAMAN YUN?! Syempre bilang babae nasaktan talaga ako, pakiramdam ko napipilitan lang siyang pag-aralin ako dahil obligasyon niya yun..Though until now nasasaktan pa rin ako pag naaalala ko yun, thankful pa din ako kasi nag-aaral pa ako hanggang ngayon.. :)


Yung kagabi naman, sobrang highblood niya, dahil na rin siguro sa pressure... Lahat ng problema niya sa work nadadala niya sa bahay... At ayun. medyo nagtatampo na rin ako sa kanya kasi wala na siyang time para sa amin eh... Kakagaling lang niya sa out-of-town last week tapos aalis na naman siya ngayon... Kapag andito naman siya, maaga siya umaalis sa bahay tapos gabi na uuwi, hindi na nga namin halos nakakamusta eh.. Kapag maaga naman siya nakakauwi, tutok pa din yun sa computer, trabaho pa din... Physically present nga siya pero yung isip niya nandun pa din sa work niya... Sobrang workaholic!


Naiintindihan ko rin naman yung side niya, para din naman sa amin yun eh, ayaw na niyang maranasan yung hirap namin dati... Pero kasi, I just miss him so much.. Mali ba ako?! Haist.


Papa ko hehe.. and me..

No comments:

Post a Comment